Muling nakita ka sa aking panaginip
’Di na nabubura ngayon sa aking isip
Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising
Heto ngayo'y nag-iisa wala ka sa ‘king tabi
Nais kong malaman kung maaari bang
Makausap ka ‘yung tipong tayo dal’wa lang
’Di na makatulog sa kakaabang
Kung magbabalik ka ba, ohh sobra ‘kong hibang
Ultimo sa pagtulog ako'y sinusundan
Ng alaala nating kay hirap sadyang kaligtaan
Umaasang maibabalik pa ang nakaraan
Walang mawawala kung susubukan lang naman
Muling nakita ka sa aking panaginip
’Di na nabubura ngayon sa aking isip
Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising
Heto ngayo'y nag-iisa wala ka sa ‘king tabi
Tadhana ay mapaglaro, nandito ka ngayon
Nais kang lapitan parang dating tayo no’n
Kung pwede lang, kaso ‘di na tayo gano’n
Nakakalungkot lang, wala nang pagkakataon
Respeto at pinanghawakan ko ang desisyon
Nating dalawa na wakasan ang relasyon
Hanggang dito na lang ako kung mamasdan ka
Mapapalayo akong kasama dati nating alaala
Muling nakita ka sa aking panaginip
’Di na nabubura ngayon sa aking isip
Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising
Heto ngayo'y nag-iisa wala ka sa ‘king tabi
Muling nakita ka sa aking panaginip
’Di na nabubura ngayon sa aking isip
Saya ang nadama bago pa ‘ko gumising
Heto ngayo'y nag-iisa wala ka sa ‘king tabi